Linggo, Mayo 12 2013

Write to your heart's content #4


ELEKSYON 12/05/2013
BUKAS AY ARAW NA NG HALALAN – MAGPAPASYA ANG TAONG BAYAN SA KUNG SINO ANG GUSTO NILANG MAMUNO SA KANILANG LOKAL AT SA MGA GUSTO NILANG MAGING MAMBABATAS. SANA MAGING MATIWASAY ANG HALALAN BUKAS. NOONG NAKARAAN AY MAGULO, FIRST TIME KONG BUMOTO AT FIRST TIME DIN GAGAMITIN ANG PCOS MACHINES, AY SOBRANG INIT AT SIKSIKAN SA CULIAT HIGH SCHOOL. BUKAS MAIIPAMALAS MULI ANG FILIPINO ELECTION TO ANOTHER LEVEL. NITONG MGA NAKARAANG ARAW AY HUMIHIGPIT LALO ANG MUD-SLINGING, RIOT AT MGA PATAYAN – WALA NA TAYO SA SINAUNANG PANAHON PARA GAWIN ‘TO.
-JRC2013

POLITICAL DYNASTY
  NAPANOOD KO SA NEWSTV 11 NA MARAMI PALA TAYONG POLITICAL DYNASTY. KUNG PAGSASAMAHIN MO YUN AY MAYROON TAYONG SYSTEMA NA KAHALINTULAD SA FEUDAL EUROPE O FEUDAL JAPAN.
  KAYA SIGURO HINDI NAGKAKAISA ANG MGA PILIPINO DAHIL KAPULUAN NA NGA TAYO AY HINAHATI PA TAYO NG POLITICAL TERRITORY. MGA THROWBACK TAYO, NI HINDI TAYO NAKAUSAD SA PAMUMUNO NG MGA ESPANYOL. KAHIT WALA NA ANG NASABING MANANAKOP AY UMIIRAL PA RIN NG DIVIDE AND CONQUER.
SA GANITONG PAMAMAHALA AY SINASAMANTALA ITO NG MGA KAPITALISTA, NA SYANG SUMASAKOP SA ATIN. ANG GOBYERNO NAMAN ANG NAGHAHATI SA ATIN.

BUNGANG-ARAW
  “ARAY KO, ANG KATI-KATI!” YAN ANG MADALAS NA INIISIP KO KAPAG HUMAHAPDI ANG BUNGANG-ARAW KO.
  NAKAKABANAS NGA, EH. PAULIT-ULIT NA LANG. GAGALING, MAGKAKAROON ULIT. GAGALING AT MAGKAKAROON ULIT, AND SO ON. PARA BANG MAY PATTERN SYA NA HINDI KO MAWARI KUNG ANO.
  TUWING SUMMER TALAGA AY NAGKAKAROON AKO NG BUNGANG-ARAW AT WALA YONG PALYA SIMULA NG AKING PAGKABATA DINARANAS KO NA ANG HAPDI NG HINAYUPAK NA BUNGANG ARAW.
  NASA TROPIKAL NA BANSA KAMI KAYA NORMAL LANG ITO KAPAG TAG-INIT. NAPAKARAMI KAYANG SKIN DISEASE DITO KAPAG DRY SEASON(DRY SEASON PALA ANG TAWAG HINDI SUMMER).

SINUBUKAN ANG EXERCISE NA NAKITA SA INTERNET
  KANINANG HAPON LANG AY SINUBUKAN KO ANG EHERSISYO NA NAKITA KO SA INTERNET, MERON ITONG 12 WORKOUTS NA GAGAWIN MO BILANG ISANG SET.
  JUMPING JACKS AND PUSH-UPS ARE EASY BUT AS I PROGRESS I AM SWEATING LIKE HELL. MY LEGS ARE ALSO SORE AND IT IS BEST IN CARDIO-VASCULAR MUSCLES.
  AYON SA NEW YORK TIMES ANG GANITONG EXERCISES AY EPEKTIBO KAHIT NA WALANG EQUIPMENTS NA PANG-GYM.
  FREE WEIGHT EXERCISES DIN ANG MADALAS GAWIN SA MILITARY AT SA KULUNGAN MISMO, SA KADAHILANAN NA WALA NGANG KAILANGANG KAGAMITAN. LAHAT NAMAN AY MAY LAMESA, UPUAN AT SAHIG—YUN LANG ANG MGA KAILANGAN PARA SA SET OF EXERCISES NA SINABI KO.


-JRC2013

Linggo, Marso 24 2013

Batang Hamog (Kwento 'to)

Tanghali noon, nang umalingawngaw ang sigaw ng isang bata. “Tama na po. . .Maawa nap o kayo,” ang mga katagang dinig na dinig ng mga kapitbahay. Maliban ditto ay mga pag-ungol at ang tunog ng isang matigas na bagay na dumamampi sa balat ng isang musmos. Lasing na naman ang tatay ni Nod, kahit sa katirikan ng araw. Nakatira sila sa kahabaan ng C5 bilang squatter o informal settler. Marami ang nakakarinig at nakakakita ngunit lahat sila ay pawag piping saksi sa pangyayari dahil sa kawalan ng tiwala sa otoridad lalong lalo na sa kapulisan.

Nang makatulog ang ama ay tahimik na lumabas ng bahay nila si Nod kahit nananakit ang kanyang katawan. Sa murang edad ng sampu ay nararanasan na niya ang kalupitan ng mga tao. Binagtas  niya ang kahabaan ng kanilang kalye nang tinawag s’ya  at binigyan nga pansit at softdrinks. “Salamat Aling Marta pero wala ho akong pambayad”, ang nahihiyang sabi ni Nod. At sumagot si Aling Marta nga parang mapagmahal na ina, “Wag mo ng alalahanin yun, magkapitbahay naman tayo, hindi ba?”
Nagpunta ang kawawang bata sa malapit na parke para magpalipas ng maghapon. Doon nakita sya ng isang grupo, mga ebanghelista ng isang protestanteng simabahan na malapit sa parke, at kinalinga sya at inalagaan sa isang ampunan na may kinalaman sin sa naturang simbahan. Ngunit hindi rin nagtagal si Nod at tumakas sya makalipas lang ang isang linggo.

Nagpagalagala sya sa Edsa kung saan sya namamalimos at natutulog sa bangketa, ang kalsada na ang naging bahay niya. Sa kasamaang palad ay napasama sya sa mga batang sumisinghot ng rugby at magmula noon ay lalo pang gumulo ang kanya buhay.

Hindi mahigpit ang Hardware sa pagbebenta ng rugby sa mga kabataan. Ang ibang hardware ay mahigpit kaya nakikiusap pa ang mga Rugby Boys sa mga karpentero para lang makabili ng Rugby. Syempre may interes na yun na syang sideline din kung minsan ng mga karpentero.
Ang mga sumisinghot ng Rugby ay nagha-hallucinate, humhina o nagkakaroon ng kumplikasyon sa baga at naapektuhan ang kanilang utak sa matagalang gamit. “Napapalutang ko yung kotse!” sigaw ng isang Rugby Boy. Hindi naman nagpatalo si Nod, “Ito ang umaapoy kong suntok, tanggapin mo!!” Nagtitinginan ang mga tao sa grupo ng kabataang ito na may hawak ng plastic na may lamang rugby. Minsan tinatawanan at madalas ay hindi na lang pinapansin.

Dumating ang araw na wala silang pambili ng rugby kaya napipilitan silang mang-isnats ng mga bag o mangbiktima ng mga taxi. Sinusubukan mang habulin ng mga driver hindi naman nila mahabol dahil nag-o-over da bakod sila sa mga Riles ng MRT. Naalarma na rin ang lipunan sa mga aktibidades ng mga batang ito na kung tawagin ay mga Batang Hamog, hindi malaman kung bakit iyon ang tawag sa kanila. May mangilan-ngilan na nahuhuli subalit dahil sa menor de edad ay agad din silang pinapakawalan ang iba’y hindi pinapalad dahil nakakatikim sila ng matinding panggugulpi sa hanay ng kapulisan.

Isang araw si Nod ang nakatoka ng humablot sa kita ng taxi driver. Kinalampag muna ng tatlong bata ang isan taxi habag mabigat ang trapiko sa EDSA, nang lumabas ang driver ay agarang hinablot ito ni Nod. Agad ding umeskapo ang mga bata, lahat sila ay nag-oberdabakod sa MRT kaya ang kawawang taxi driver ay walang nagawa dahil sa takot ng masagasaan ng tren at makaabala sa ibang motorist. Si Nod ang huling nakaakyat ngunit huli na ang lahat. Sumisigaw ang mga kasama ni Nod ng, “UY TAE BILISAN MO NA ANDYAN NA YUNG TREN!” At, “TANGNA BILIS!”

Sa bilis ng pangyayari ay hindi na umabot si Nod ng buhay sa kabilang dulo ng kalsada. Nasagasaan ang kawawang bata ng rumaragasang tren.

Kinabukasan ay ito ang naging Headlines ng mga tabloid. Nakuha naman nito ang atensyon ng ilang NGO’s at DSWD. Nang sumunod na linggo ay pinagdadampot ang mga taong grasa at inilagay sa Rehabilitation Program ng pamahalaan. Nagdagsaan din ang iba’t ibang charity para sa gawaing pang lipunan. Ngunit hindi lang sa EDSA maraming Taong Grasa at Batang Hamog. At patuloy pa rin ang pagbebenta ng rugby at iba pang inhalant sa mga Taong Grasa.