Saan ako hahanap ng bago kong inspirasyon, patuloy na lang akong mabubuhay sa paraang nakasanayan na, ang maging single. Well, masarap nga na maging single kasi walang committment sa ibang hindi mo naman kamag-anak. Nabuhay naman ako ng ilang taon na hindi ko sya kilala at patuloy na mabubuhay pa. Minsan talaga naniniwala na ako sa nabasa ko na habang nakalog-in ka sa fb ay lalo kang magiging malungkot sa buhay, pero updated ka sa mga happenings. Dafuq!
Medyo senti na ba o emo? Hayaan nyo na ako, minsan ko na ring sinabi kay Yueh na mas naeexpress ko ang aking sarili sa pamamagitan ng mga letra. Kaya heto ako ngayon nakaharap sa screen at pumipitik ng keyboard. Dapat sa Journal ko na lang ilagay to eh, pero gusto kong i-post ito sa aking blog para ipakita na dahil sa pagtanggi nya ay meron akong naisulat na ganito. Salamat nga pala sa inspirasyon. Sometimes everybody gives a damn to a b*llsH*t. Hanggat maari iniiwasan ko ang magmura kasi ipinapakita non na kaunti lang ang bokubolaryo mo, para kang bata na gusto mong sabihin pero hindi mo maipaliwanag. Gaya nga ng sinasabi sa showbiz, "career muna bago lovelife" at mas gusto ko to kaysa sa, "marami pang isda sa dagat." Kung alam nyo lang, pihikan o ayaw ko sa isda. Ewan pero bata pa ako ayaw ko na sa isda maliban sa sardinas, tuna, tuyo, daing, tinapa at galunggong. Masnanaisin ko pang ikumpara ang mga babae sa bagyo kasi pabagobago sila at kung minsan hindi mo kayang i-predict ang nasa isip nila o ang usto nilang gawin.
Maghihintay na lang ako ng pagkakataon, kahit sabihin pa nilang, "trenta ka na wala ka pang gf." Pakialam ko sa kanila nabuhay din akong hindi sila pinapakialamana kaya dapat mabuhay din sila ng hindi ako pinapakialaman in that way we can ensure peace or truce. Alas dose na at gising pa rin ako, hindi makatulog dahil sa nalamang hindi kanaisnais sa aking pandinig maging sa pusong umiibig. Hindi ko rin sila maintindihan sa mga trip nila sa buhay. Kakaasar kapag naiisip mo yung maximum effort na ibinigay mo para sa kanila ay babalewalain lang at titingin sa mas may dating. Pweh! Not every male is a Prince Charming. Lagi silang nakabase sa mga trending tv drama or movie na kung tutuusin ay exxageration of life na kung minsan yung tipong impossible mangyari sa totoong buhay.
Masama bang maging totoo sa sarili na hunter ang mga lalaki at pilit naming hinahanaphanap ang prey na gusto naming makasama habangbuhay. Masama ba? Wth! Wala bang sasagot!? Ay nakalimutan kong blog nga pala ito. Sa totoo lang minsan talaga flirt din ang mga babae. OO, FlIRT. May nasabihan akong babae at nagtampo sya ng sabihin kong flirt sya. Hindi ko naman masabi na yon yung nakikita ko sa mga ikinikilos nya kaya sinabi ko na lang na gusto ko lang mang-asar o tatahimik na lang ako, pero makulit pa din. Mga isa o dalawang linggo nya kong kinulit pero wala syang nakuha. By the way magaan na ang pakiramdam ko, manigat naman ang mata ko. Gusto ko ng matulog nang mahimbing at bukas, sana, may text na, na nagsasabing pasado ako.
AYAN PULA ANG KULAY PARA IPAKITANG GALIT NA KO AND YOU DON'T WANT ME TO GET MAD. GRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR....................
AYAN PULA ANG KULAY PARA IPAKITANG GALIT NA KO AND YOU DON'T WANT ME TO GET MAD. GRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR....................