Tanghali noon, nang umalingawngaw ang sigaw ng isang bata. “Tama na po. . .Maawa nap o kayo,” ang mga katagang dinig na dinig ng mga kapitbahay. Maliban ditto ay mga pag-ungol at ang tunog ng isang matigas na bagay na dumamampi sa balat ng isang musmos. Lasing na naman ang tatay ni Nod, kahit sa katirikan ng araw. Nakatira sila sa kahabaan ng C5 bilang squatter o informal settler. Marami ang nakakarinig at nakakakita ngunit lahat sila ay pawag piping saksi sa pangyayari dahil sa kawalan ng tiwala sa otoridad lalong lalo na sa kapulisan.
Nang makatulog ang ama ay tahimik na lumabas ng bahay nila si Nod kahit nananakit ang kanyang katawan. Sa murang edad ng sampu ay nararanasan na niya ang kalupitan ng mga tao. Binagtas niya ang kahabaan ng kanilang kalye nang tinawag s’ya at binigyan nga pansit at softdrinks. “Salamat Aling Marta pero wala ho akong pambayad”, ang nahihiyang sabi ni Nod. At sumagot si Aling Marta nga parang mapagmahal na ina, “Wag mo ng alalahanin yun, magkapitbahay naman tayo, hindi ba?”
Nagpunta ang kawawang bata sa malapit na parke para magpalipas ng maghapon. Doon nakita sya ng isang grupo, mga ebanghelista ng isang protestanteng simabahan na malapit sa parke, at kinalinga sya at inalagaan sa isang ampunan na may kinalaman sin sa naturang simbahan. Ngunit hindi rin nagtagal si Nod at tumakas sya makalipas lang ang isang linggo.
Nagpagalagala sya sa Edsa kung saan sya namamalimos at natutulog sa bangketa, ang kalsada na ang naging bahay niya. Sa kasamaang palad ay napasama sya sa mga batang sumisinghot ng rugby at magmula noon ay lalo pang gumulo ang kanya buhay.
Hindi mahigpit ang Hardware sa pagbebenta ng rugby sa mga kabataan. Ang ibang hardware ay mahigpit kaya nakikiusap pa ang mga Rugby Boys sa mga karpentero para lang makabili ng Rugby. Syempre may interes na yun na syang sideline din kung minsan ng mga karpentero.
Ang mga sumisinghot ng Rugby ay nagha-hallucinate, humhina o nagkakaroon ng kumplikasyon sa baga at naapektuhan ang kanilang utak sa matagalang gamit. “Napapalutang ko yung kotse!” sigaw ng isang Rugby Boy. Hindi naman nagpatalo si Nod, “Ito ang umaapoy kong suntok, tanggapin mo!!” Nagtitinginan ang mga tao sa grupo ng kabataang ito na may hawak ng plastic na may lamang rugby. Minsan tinatawanan at madalas ay hindi na lang pinapansin.
Dumating ang araw na wala silang pambili ng rugby kaya napipilitan silang mang-isnats ng mga bag o mangbiktima ng mga taxi. Sinusubukan mang habulin ng mga driver hindi naman nila mahabol dahil nag-o-over da bakod sila sa mga Riles ng MRT. Naalarma na rin ang lipunan sa mga aktibidades ng mga batang ito na kung tawagin ay mga Batang Hamog, hindi malaman kung bakit iyon ang tawag sa kanila. May mangilan-ngilan na nahuhuli subalit dahil sa menor de edad ay agad din silang pinapakawalan ang iba’y hindi pinapalad dahil nakakatikim sila ng matinding panggugulpi sa hanay ng kapulisan.
Isang araw si Nod ang nakatoka ng humablot sa kita ng taxi driver. Kinalampag muna ng tatlong bata ang isan taxi habag mabigat ang trapiko sa EDSA, nang lumabas ang driver ay agarang hinablot ito ni Nod. Agad ding umeskapo ang mga bata, lahat sila ay nag-oberdabakod sa MRT kaya ang kawawang taxi driver ay walang nagawa dahil sa takot ng masagasaan ng tren at makaabala sa ibang motorist. Si Nod ang huling nakaakyat ngunit huli na ang lahat. Sumisigaw ang mga kasama ni Nod ng, “UY TAE BILISAN MO NA ANDYAN NA YUNG TREN!” At, “TANGNA BILIS!”
Sa bilis ng pangyayari ay hindi na umabot si Nod ng buhay sa kabilang dulo ng kalsada. Nasagasaan ang kawawang bata ng rumaragasang tren.
Kinabukasan ay ito ang naging Headlines ng mga tabloid. Nakuha naman nito ang atensyon ng ilang NGO’s at DSWD. Nang sumunod na linggo ay pinagdadampot ang mga taong grasa at inilagay sa Rehabilitation Program ng pamahalaan. Nagdagsaan din ang iba’t ibang charity para sa gawaing pang lipunan. Ngunit hindi lang sa EDSA maraming Taong Grasa at Batang Hamog. At patuloy pa rin ang pagbebenta ng rugby at iba pang inhalant sa mga Taong Grasa.
Linggo, Marso 24, 2013
Linggo, Marso 10, 2013
Walang Tulugan: Decoded
Ngayon ko lang napagtanto na ang 'Walang Tulugan' pala ay may dalawang meaning. Ang salitang Tulugan ay pwedeng maging pandiwa (verb) at pangngalan (noun). Ang hindi ko lang alam ay kung inuutusan tayong h'wag matulog o kung nagrereklamo si kuya germs kung bakit walang tulugan: Higaan; Kama; o banig man lang.
Hirap talaga pag double meaning.
Hirap talaga pag double meaning.
* Mga guyz a ito na yata ang pinakamagandang kuha ni Justin Bieber.
** Idinagdag kotong larawan na ito kasi trip ko lang. Bakit ba?
Linggo, Marso 3, 2013
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)