Haay.. Ang tagal ko ng naghihintay para sa result ng nuero ko at hindi ko gusto ang maghintay pa nang matagal. Hinihigop na ng oras ang pag-asang natitira sa puso ko. Kanino ako sasandal? Saan ako pupulutin kapag bumagsak ako? Anong mangyayari sa susunod na dalawang taon na masasayang sa buhay ko? Marami akong tanong na walang kasagutan. Wala din akong kakayahan para isakatuparan ang mga pangarap ko. Gusto kong tahakin ang daang tinahak ni Suzaku Kururugi at hindi ang daang tinahak ni Lelouch. Gaya nga ng sinabi ko wala akong kakayahan, na tulad ni Lelouch.
Bakit pa kasi nagkaroon ng neuro exam? E, ang mga mandirigma naman nuong araw ay wala nito. Gusto kong mabuhay sa ganuong panahon. Imposible yun, alam ko. Saan ako huhugot ng lakas para magpatuloy sa idle na buhay kong ito, bukod sa blog kong ito? Saan? Saan? Kahit na paulit-ulit ko pang itanong sa sarili ang mga tanong na iyon ay walang rin itong magagawa upang maibsan ang kawalan na nararamdaman ko. Sh*t.
Meron pa pala akong matatakbuhan, yun ay ang LUMIKHA. Idinunog ko na sa kanya ang problema ko kagabi. Inaasahan kong malalagpasan ko ito o di kaya ay may mas maganda siyang balak para sa akin. Inggit din ang isa sa mga problema ko dahil nakikita mo ang mga kasabayan ko na nasa unahan na ng karera at ako'y nandito pa rin, malapit lang sa starting line. Haaay... buhay. Pag-asa, sana'y wag kang maupos sa oras ng matinding pangangailangan dahil ikaw ay ang ugat na kakapitan ko sa mga panahong tinalikdan na ako ng lahat.
Titingin ako sa itaas at mangangarap at aasa para sa katuparan ng mga pangarap. Sana Panginoon kahit bumalentong na ako sa dami ng kasalanan, e, magawa mo rin akong alagaan. Pagod na akong umasa. Sana punan mo ulit ang pag-asang nawala sa akin sa loob ng maraming taon lumipas na kung saan madilim ang paligid.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento