Reunion. . .
Minsan masarap makasama ng mga taong
nagging kaklase─── yung mga taong nakakulitan mo noong ika’y nag-aaral pa.
Masaya ding Makita ang pinagbago ng bawat isa, balikan ang mga kalokohan, at
mga test na sama samang sinagutan. Madrama man, masaya naman ang reunion.
Halakhakan at mga kwentuhan ang madalas
mapansin, syempre mawawala ba ang alak. Masarap sariwain ang masasaya at
malulungkot na alaala. Minsan yung malunkot na karanasan ay tatawanan na lang
dahil nakaraan na ito na s’yang lalong pinagtitibay ang samahan at mas makilala
ang bawat isa. Mas masaya ang reunion kapag mas marami ngunit hindi kaila na
may sarili ng buhay ang karamihan── ang iba may pamilya na, nag-aaral
(karaniwan ng dahilan ay exams o defense sa thesis), nasa ibang bansa(wow
sosyal).
Sana sa muling pagtitipon ng batch ay
marami-rami na ang dumalo para mas masaya. Parang recollection lang to mga tol,
may alak nga lang at para mas maging close tayo. You’ll never know when you will need a friend? Let us build a wall of
friends so that any obstacle will not be formidable.
CHEZ1990