Ipinapakita ang mga post na may etiketa na friends. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na friends. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Oktubre 31, 2012

WRITE TO YOUR HEARTS CONTENT #2

     Wala akong magawa noon sa mangareader.net at pinindot ko yung "surprise me" button sa nasabing site. Lumitaw ang Gundam Sousei. Ito ay manga na tumatalakay sa paggawa ng nakakaadik na Gundam series (dapat Phoenomena, Gundam pheonomena). Sa totoo lang 4 na gundam series lang ang napanuod ko sa tv pero interesado pa rin ako, pangarap ko kasi nung bata ako ang magkaroon ang Pilipinas ng sariling nitong Gundam. Balik sa Gundam Sousei, ayon sa manga na ito sobrang painstaking ang paggawa ng anime na Gundam para kasing coming of a new era ang datingan. Revolutionary. Maiihalintulad mo nga ito sa Bakuman, eh, pero ang Bakuman ay Manga na Slice of Life at ang Gundam Sousei ay Tribute sa mga lumikha ng pangarap ng kabataang Hapon at iba pang bata na nakapanuod ng kahit isang Gundam franchise.
Minamaliit ng sponsors ang anime kaya naibusal nya (Tomino) ang mga katagang ito







Napahupa ni Tomino ang Crowd
-//-

     Nasa Grade 4 ako nang magkaroon kami ng VHS sa bahay pero ang problema ay wala kaming bala. Buti na lang marami nun ang pinsan ko na isang kanto lang ang bahay mula sa amin. Una hiniram ko yung "James and the Giant Peach" maganda sya, sa katunayan ilang beses ko din napanuod dahil nanghihikayat ito na mag-adventure. Ang tumatak talaga sa akin ay ang "Nightmare before Crhistmas" na kwento ni Jack Skellington. Gusto nya ng pagbabago at walang hahadlang sa kanya para isagawa ito. Palpak nga lang. Ang Moral ng story ay kailangan pa rin natin nga guidance at sundin ang ating mga panagarap. Opinyon ko 'to.

-//-

     4th year college ako nang una kong marinig ang pangalan nya at sabi na malapit lang daw sila sa amin. Introvert ako kaya wala akong paki. Sabi din ng mga kaklase ko na maganda si Inchy. Chubby, cheerful and charming in short she is a Triple C. Good thing di sya Femme Fatale. Halos magkasunod pala ang birthday namin, we are destined pero di pa time. Nangarap na naman ako. Wala ako sa birthday nya dahil mga girl watchers na kabatch ko lang ang pumunta, pinost nila yung litrato at nadiskubre kong camera whore din pala yung mga damuhong mga ka-batch. Girl watcher din ako pero mas matimbang ang pagiging otaku. Nandito ang kanyang message at kayo na humusga kung maganda nga sya.

Martes, Oktubre 9, 2012

THE WALL

I miss my friends whose name are here
The times we shared, the laughs and fear
I’m still surprised my name isn’t here!
There’s cob whose date they’ve got wrong
Wiskey and logan who died near tri bong
“We got to get out of this place,” our favorite song.
After 18 years I still can’t forget what we did, what we saw
We fought for our country, but our country screwed us all
I am sorry my name’s not on “the wall.”
-Huey
68-69

from "Shrapnel in the heart: letters and remembrance from the vietnam veterans memorial"

*After I read the preface of this book I scan the content of it, eventually I noticed this poem. This poem is dedicated to those who died in Vietnam (it is obvious from the book title) but of all those poem this struck my heart. The pain of remembering your friends die in a combat zone is the worst thing a soldier can witness. I love this poem because it shows passion and the camaraderie formed in the most terrible situation and fought a war not worth fighting for.
** a generation was lost **

Miyerkules, Pebrero 29, 2012

REUNION




Reunion. . .                                                      

       Minsan masarap makasama ng mga taong nagging kaklase─── yung mga taong nakakulitan mo noong ika’y nag-aaral pa. Masaya ding Makita ang pinagbago ng bawat isa, balikan ang mga kalokohan, at mga test na sama samang sinagutan. Madrama man, masaya naman ang reunion.

       Halakhakan at mga kwentuhan ang madalas mapansin, syempre mawawala ba ang alak. Masarap sariwain ang masasaya at malulungkot na alaala. Minsan yung malunkot na karanasan ay tatawanan na lang dahil nakaraan na ito na s’yang lalong pinagtitibay ang samahan at mas makilala ang bawat isa. Mas masaya ang reunion kapag mas marami ngunit hindi kaila na may sarili ng buhay ang karamihan── ang iba may pamilya na, nag-aaral (karaniwan ng dahilan ay exams o defense sa thesis), nasa ibang bansa(wow sosyal).

       Sana sa muling pagtitipon ng batch ay marami-rami na ang dumalo para mas masaya. Parang recollection lang to mga tol, may alak nga lang at para mas maging close tayo. You’ll never know when you  will need a friend? Let us build a wall of friends so that any obstacle will not be formidable.

CHEZ1990