The thought of a simple guy in the complicated world. . . and more
Miyerkules, Oktubre 31, 2012
WRITE TO YOUR HEARTS CONTENT #2
Wala akong magawa noon sa mangareader.net at pinindot ko yung "surprise me" button sa nasabing site. Lumitaw ang Gundam Sousei. Ito ay manga na tumatalakay sa paggawa ng nakakaadik na Gundam series (dapat Phoenomena, Gundam pheonomena). Sa totoo lang 4 na gundam series lang ang napanuod ko sa tv pero interesado pa rin ako, pangarap ko kasi nung bata ako ang magkaroon ang Pilipinas ng sariling nitong Gundam. Balik sa Gundam Sousei, ayon sa manga na ito sobrang painstaking ang paggawa ng anime na Gundam para kasing coming of a new era ang datingan. Revolutionary. Maiihalintulad mo nga ito sa Bakuman, eh, pero ang Bakuman ay Manga na Slice of Life at ang Gundam Sousei ay Tribute sa mga lumikha ng pangarap ng kabataang Hapon at iba pang bata na nakapanuod ng kahit isang Gundam franchise.
Minamaliit ng sponsors ang anime kaya naibusal nya (Tomino) ang mga katagang ito
Napahupa ni Tomino ang Crowd
-//-
Nasa Grade 4 ako nang magkaroon kami ng VHS sa bahay pero ang problema ay wala kaming bala. Buti na lang marami nun ang pinsan ko na isang kanto lang ang bahay mula sa amin. Una hiniram ko yung "James and the Giant Peach" maganda sya, sa katunayan ilang beses ko din napanuod dahil nanghihikayat ito na mag-adventure. Ang tumatak talaga sa akin ay ang "Nightmare before Crhistmas" na kwento ni Jack Skellington. Gusto nya ng pagbabago at walang hahadlang sa kanya para isagawa ito. Palpak nga lang. Ang Moral ng story ay kailangan pa rin natin nga guidance at sundin ang ating mga panagarap. Opinyon ko 'to.
-//-
4th year college ako nang una kong marinig ang pangalan nya at sabi na malapit lang daw sila sa amin. Introvert ako kaya wala akong paki. Sabi din ng mga kaklase ko na maganda si Inchy. Chubby, cheerful and charming in short she is a Triple C. Good thing di sya Femme Fatale. Halos magkasunod pala ang birthday namin, we are destined pero di pa time. Nangarap na naman ako. Wala ako sa birthday nya dahil mga girl watchers na kabatch ko lang ang pumunta, pinost nila yung litrato at nadiskubre kong camera whore din pala yung mga damuhong mga ka-batch. Girl watcher din ako pero mas matimbang ang pagiging otaku. Nandito ang kanyang message at kayo na humusga kung maganda nga sya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento