Paggising sa umaga iisipin mo kung ano ang gagawin pero wala kang magawa or wala kang magawang matino. Ang sabi nila mahirap maging tambay, tama sila mahirap nga mag-iisip ka ng gagawin mo tapos in the end of the day wala kang nagawa. Tamad, karugtong na iyon ng salitang tambay. Minsan ang mga tambay choosy sa trabaho yung tipong maghihintay ng tamang pagkakataon (tagay muna, puro ka pulutan eh).
Ang pagiging tamabay ay nakatatak na sa kulturang pilipino, siguro dahil sa kawalan o pagiging mapili sa trabaho o nakikipagsosyalan at marami pang ibang factors. Teka! Naiba na tayo ng usapan. Pag nababato ka madaming pumapasok sa ating isipan sabi nga ng prof namin sa Juvinile Deliquency, "Idle minds are workshop of evil and idle hands are tools of evil", ewan ko kung sa iba galing yon o kung inisip nya lang pero sa tingin ko idle minds are workshop o crazy ideas.
Minsan yung crazy idea na nabanggit ay lumlikha ng bagong idealismo kung ito'y tinatangkilik ng iba ring may sayad sa ulo at minsan isa ako doon. Hahahaha. . . Marahil nga isa ako doon. Nakakabaliw kasi talaga 'pag bored ka, kaya siguro nalikha ang mga computer games at kung anu-ano pa. May pahabol pa ko Idle minds which create a new ideas or just ideas are not idle, mangmang lang ang may idle minds.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento