Rambol sa Silverio
Compound, anong nangyare at nagliparan ang mga bato? Bakit nagkagulo? May
isa pang namatay, sino ang may kakagawan nun? Maraming tanong, eh? Di kaila sa
atin kung ano ang nangyari sa Silverio Compound na napanuod ng buong bayan,
tama ba ang ginawa nila? Dahil sa nanlaban sila nagkaroon ng kaguluhan at may
isa pang namatay. Isa itong patunay na hindi nasusulusyunan ng karahasan ang
lahat bagkus nakakalala pa nga ito.
Mga mamamayan ng
Silverio bakit humantong sa kaguluhan ang lahat? May mga pagkakataon na gusto
nating ipaglaban ang gating mga tahanan subalit lumalala lamang an gating kalagayan.
Ilan ang naresto? Ilan ang nasaktan? Hindi ba’t marami. Mabuti na lamang at
hindi pa humantong ito sa pagkasira ng mas marami pang establisyemento.
Mga pulis bakit
kayo humantong sa tinatawag na unnecessary force o mas kilala sa tawag na
police brutality? Ayan tuloy laman na naman ng media ang mga kagagawan nyo.
Nababahiran tuloy ang magandang pangalan ng PNP para kayong mantas sa isang
magarang damit, na sa inyo lagi ang atensyon naapektuhan ang iba nyong
kasamahan.
CHR, mabuti pa
ang hayop pinapangalagaan na rin ng kahalintulad na prinsipyo ang mga
hayop paano ang pulis? Okay maganda nga
ang hangarin pero dapat pa ring timbangin ang mga circumstances kasi parang
naiitsapwera ang ibang pulis. Tiniis na nga ang dura ng mga raliyista at iba
pa.
Mga mamamayan,
wag agad magreact ng todo todo sa mga napanuod natin sa T.V., nabasa sa dyaryo
o napakinggan sa radio. Minsan kasi nagiging force multiplier tayo tulad ng
media.
Yun lang po, opinion kulang ang mga ito. Peace tayo.
JRC2012
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento