Minamaliit ng sponsors ang anime kaya naibusal nya (Tomino) ang mga katagang ito |
Napahupa ni Tomino ang Crowd |
-//-
Nasa Grade 4 ako nang magkaroon kami ng VHS sa bahay pero ang problema ay wala kaming bala. Buti na lang marami nun ang pinsan ko na isang kanto lang ang bahay mula sa amin. Una hiniram ko yung "James and the Giant Peach" maganda sya, sa katunayan ilang beses ko din napanuod dahil nanghihikayat ito na mag-adventure. Ang tumatak talaga sa akin ay ang "Nightmare before Crhistmas" na kwento ni Jack Skellington. Gusto nya ng pagbabago at walang hahadlang sa kanya para isagawa ito. Palpak nga lang. Ang Moral ng story ay kailangan pa rin natin nga guidance at sundin ang ating mga panagarap. Opinyon ko 'to.
-//-